^

Punto Mo

‘Perang peke’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA pagsapit ng Disyembre, maraming tao ang dumaragsa sa mga banko para magpapalit ng bagong pera. Paboritong aginaldo rin kasi lalo na sa mga inaanak ang mga bagong imprenta at malulutong na pera.

Ang hindi alam ng iba, sa ganitong panahon d in nauuso ang pagkalat ng mga pekeng pera. Mismong Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagsabi na hindi madaling malaman ang pinanggagalingan ng mga kumakalat na pekeng pera sa publiko.

Ang sindikatong nasa likod ng panlolokong ito, walang pinipiling halaga ng pera na pepekein. Mula P20 hanggang P1,000 na perang papel, ikinakalat ng mga kawatan ang pekeng pera sa merkado.

Kaya’t ang mga taong walang malay na nakakahawak nito, sobrang perwisyo ang natatamo. Dahil sa sandaling mahuling gumagamit ng pekeng pera ang isang indibidwal, butas na ang bulsa, maaari pang makasuhan at maaresto ng mga kinauukulan.

Babala ng BITAG sa publiko na laging isaisip ang mga palatandaang ibinibigay ng BSP upang hindi mabiktima ng pagkakaroon ng pekeng pera. Ilan sa mga ito ay ang embossed shadow, serial number, alibata at tahi sa pera na makikita lamang sa totoong pera.

Kapag nakaengkwentro ng pekeng pera, agad itong i-report sa mga pulis o ’di naman kaya’y isuko sa pinakamalapit na banko o ibigay sa BSP.

Maging mapanuri at alerto sa mga kumakalat na pekeng pera dahil para ka na ring nangunsinti at pinayaman ang  mga mapagsamantalang kawatan at sindikatong nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng pera.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BABALA

DAHIL

KALAW HILLS

MISMONG BANGKO SENTRAL

PEKENG

PERA

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with