^

Probinsiya

2 ospital sa Samar, apaw sa pasyente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 ospital sa Samar, apaw sa pasyente
Layunin ng mga ospital na madagdagan ang kapasidad sa pagtanggap ng mga pasyente at mapahusay ang serbisyong medikal.
STAR/ File

Nagpasaklolo sa DOH

MANILA, Philippines — Humingi ng agarang tulong kay Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado ang Calbayog District Hospital at Samar Provincial Hospital dahil sa matinding pagsisikip ng mga pas­yente at kakulangan ng pasilidad.

Layunin ng mga ospital na madagdagan ang kapasidad sa pagtanggap ng mga pasyente at mapahusay ang serbisyong medikal.

Batay sa magkahiwalay na liham na ipinadala sa DOH noong Oktubre 19, 2026, umabot sa 181 ang mga naka-confine sa Calbayog District Hospital, na may awtorisadong kapasidad na 75 kama. Samantala, tinatanggap ng Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City ang 200 hanggang 250 pasyente, kahit 100 kama lamang ang awto­risadong kapasidad nito.

Ayon kay Dr. Jonathan Gabriel J. Paquit, hepe ng Calbayog District Hospital, patuloy ang pagdami ng mga pasyenteng tinatanggap at nire-refer sa kanilang ospital. Sinabi naman ni Dr. Jansenn Y. Mutya, OIC-Chief ng Samar Provincial Hospital, na nagdudulot ang pagsisikip ng pagkaantala sa paglilipat ng mga pasyente mula sa emergency room patungo sa mga ward.

Humihingi ang dalawang ospital ng karagdagang kama, pasilidad, kagamitang medikal, medical personnel, at pondo. Nais din ng Samar Provincial Hospital na maisulong ang pag-upgrade nito sa Level 2, magkaroon ng Level 3 clinical laboratory, at makapagbukas ng Intensive Care Unit (ICU), habang isinusulong naman ng Calbayog District Hospital ang pagtaas ng awtorisadong bed capacity at pagpapahusay ng referral system.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with