^

PM Sports

Ika-2 dikit target ng Arellano sa Lyceum

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tangka ng Arellano University na duplikahin ang kanilang panalo sa pagharap nila sa Lyceum of the Philippines University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil sa San Juan ngayong araw.

Magsisimula ang banatan sa alas-5 ng hapon.

Galing sa makapi­gil hiningang panalo ang Chiefs matapos nilang katayin ang defending champions San Beda University, 56-55 mula sa game-winner basket ni Baste Valencia.

“We really needed this win,” patungkol ni Valencia sa laro nila kontra Red Lions. “We’re coming from three straight losses. We need this momentum before we face off our bracket mates again. Like I always say before the start of our games, we’ll do what’s needed to win.”

Naka-upo sa pangalawang puwesto sa Group B ng team standings ang Arellano tangan ang 5-3, paniguradong ipaparada pa rin ng Chiefs si Valencia upang ikadena ang ika-2 sunod na panalo.

Makakatuwang ni Valencia sa opensa sina T-Mc Ongotan, AG Borromeo at King Maverick Vinoya para masikwat ng Arellano ang inaasam na panalo at mapaganda ang karta.

Pero tiyak na mapapalaban ng todo ang Chiefs dahil  impresibo ang panalo ng Pirates noong Oktubre 16 kontra San Sebastian College-Recoletos, 78-77.

Si Renz Villegas ang naging susi sa panalo ng LPU matapos isalpak ang game-winning jumper sa midrange para ilista ang 3-5 baraha ng mga taga Intramuros. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with