Galeries Tower gigibain ng Nxled
MANILA, Philippines — Puntirya ng Nxled ang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Galeries Tower sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg sa MOA Arena sa Pasay City.
Lalabanan ng Chameleons ang Highrisers ngayong alas-1 ng hapon, habang magtatapat ang Choco Mucho Flying Titans at Farm Fresh Foxies sa alas-6 ng gabi.
Magkasosyo sa liderato ang Creamline, Nxled at Choco Mucho sa magkakatulad nilang 2-0 record kasunod ang Capital1 Solar Energy (2-1), Farm Fresh (1-1), Akari (1-2), PLDT (0-2), Galeries Tower (0-2) at ZUS Coffee (0-2).
Magkasunod na tinalo ng Chameleons ang High Speed Hitters, 25-16, 25-20, 25-18, at ang Foxies, 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12.
Bagsak naman ang Highrisers sa Foxies, 23-25, 22-25, 15-25, at sa Cool Smashers, 29-25, 18-25, 19-25, 18-25.
Muling aasahan ng Nxled sina Fil-Am Brooke Van Sickle, Myla Pablo, MJ Phillips, Jackie Acuña, Jonah Sabete-Escamillan at Gel Cayuna.
“I think as PVL continues with its years, I do think that the competition is getting significantly harder. Teams, I mean, now there are only nine,” wika ni Van Sickle.
Isasalang ng Galeries Tower sina Erika Deloria, Jean Asis, Aiza Maizo-Pontillas, Gayle Pascual, Lycha Ebon, Shola Alvarez at rookie setter Lams Lamina.
- Latest






















