60 nasawi sa MV June Aster, kilala na

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng 60 sa mga pasaherong nasawi nang sumiklab ang isang sunog sa MV June Aster noong nakaraang buwan.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, ang identidad ng mga nasawi ay natukoy sa isinagawang pagproseso ng Philippine National Police Forensic Group, habang isinasailalim pa sa identification process ang 11 iba pa.
“The Emergency Operations Center (EOC) in Coron, Palawan, has coordinated with 60 families regarding the identification and claiming process. Two claimants have personally visited the EOC to process the necessary requirements, although no remains have been formally claimed,” ani Cayabyab.
Matatandaang 77 pasahero ang nasawi habang 43 naman ang nakaligtas sa sunog na tumupok sa MV June Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan noong Setyembre 9.
- Latest
























