Trader mula Isabela, natagpuang patay sa Kalinga
MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na negosyante ang natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Rizal, Kalinga kamakalawa.
Sa ulat ng Kalinga PNP, na ang biktima na isang lalaki ay may saksak sa tagilirang katawan ay natagpuan sa Sitio Andarayan, Barangay Santor, Kalinga, alas-4:00 ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa lugar dahil walang nakitang bakas ng dugo sa lugar.
Samantala, isa pang bangkay ang natagpuan sa isang irrigation canal sa bayan ng Cordon, Isabela, alas-6:50 kamakalawa ng umaga.
Tinatayang nasa edad 35 hanggang 45 ang biktima na nasa 5’7” ang taas at may mga tattoo sa dibdib, braso at paa.
- Latest



















