Deniece Cornejo, palayain na – CA

Sa illegal detention case ni Vhong Navarro
MANILA, Philippines —Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pagpapalaya sa dating modelo na si Deniece Cornejo matapos ibaba ang sentensya na ipinataw sa kanya kaugnay ng kasong “serious illegal detention” na isinampa ng actor na si Vhong Navarro.
Sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, ang halos dalawang taong pagkakakulong ni Cornejo matapos hatulan ng Regional Trial Court ay kinilala bilang “time served”.
Dahil dito, inaasahang makalalaya na sa susunod na linggo ang nasabing modelo.
Tumutulong umano ang Public Attorney’s Office (PAO) at iba pang abogado sa mga kinakailangang dokumento para sa kanyang paglaya na inaasahang mangyayari sa unang bahagi ng susunod na linggo.
Si Cornejo kasama ang negosyanteng si Cedric Lee ay nasintensyahan ng Taguig court ng habambuhay na pagkabilanggo sa illegal detention case ni Vhong Navarro noong 2024.
- Latest























