^

Probinsiya

Smuggled broccoli ibinebenta sa Benguet at Baguio

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Smuggled broccoli ibinebenta sa Benguet at Baguio
Makikita sa larawan ang kaibahan ng smuggled broccoli at lokal na broccoli na may mahaba ang tangkay na ibinebenta sa mga pamilihan ng La Trinidad sa Benguet, at Baguio City.
Courtesy: La Trinidad LGU

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines — Binabalaan ang mga mamimili laban sa mga smuggled broccoli na ibinebenta ngayon sa mga pamilihan sa La Trinidad, Benguet at kalapit na Baguio City.

Ayon sa Cordillera Broccoli Traders and Farmers Association, maaaring makilala ang pinaghihinalaang ilegal na inangkat na broccoli sa hindi pangkaraniwang pagkakapare-pareho ng laki, maayos na pagkakaputol sa ilalim na tila “flower-cut,” at kawalan ng tangkay—mga katangiang naiiba sa broccoli na itinatanim ng mga magsasaka sa Benguet.

Nagbabala rin ang grupo sa posibleng paggamit ng preservatives o iba pang kemikal upang mapahaba ang shelf life ng smuggled na produkto, na ayon sa kanila ay hindi dumaan sa wastong pagsusuri.

Samantala, ang lokal na broccoli ay inaani at dinadala sa mga pamilihan nang walang matagal na imbakan at transportasyong karaniwang kaakibat ng mga imported na gulay.

Sa pagkakadiskubre nito, sinabi ng mga lokal na magsasaka at trader ng gulay na lalo pang naiipit ang mga lokal na prodyuser dahil sa patuloy na pagpasok ng mga puslit na gulay, na nagbabanta sa kabuhayan ng mga magsasaka hindi lamang sa Benguet kundi sa buong Cordillera.

Ayon sa League of Associations at the La Trinidad Vegetable ­Trading Post, patuloy pa ring bumabangon ang industriya ng highland vege­tables mula sa epekto ng mga smuggled carrot na bumaha sa mga pamilihan sa buong bansa.

SMUGGLED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with