^

Probinsiya

Face to face classes sa Banga, South Cotabato suspendido

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang pamamaril sa Banga National High School (BNHS) noong Biyernes na kumitil ng buhay ng tatlong estudyante kabilang ang 16-anyos na shooter, sinuspinde ang face-to-face classes sa bayan ng Banga sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan ngayong Lunes, Set­yembre 21.

Ang suspensyon na inaprubahan ni Banga Mayor Albert Palencia ay ipinoste ng pamahalaang lokal sa social media na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga guro at estudyante.

Nabatid na magpupulong muna ang mga opisyal upang talakayin ang pagpapaigting ng seguridad sa mga eskuwelahan upang hindi na muling maulit pa ang madugong insidente ng pamamaril.

Samantala, maging ang pamahalaang bayan ng Norala ay nagsuspinde rin ng face-to-face classes sa lahat ng mga pampubliko at pampribadong eskuwelahan ngayong Lunes matapos naman ang madugong pamamaril sa BNHS sa katabi nitong bayan.

Kaugnay nito, magsasagawa ng pagpupulong ng mga opisyal ng DepEd at ng mga opisyal ng eskuwelahan upang irebyu ang pagpapatupad ng seguridad para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante bunga ng insidente.

Sa ipinoste sa social media, ang pagkansela pansamantala ng klase sa mga public at pribadong mga paarlaan sa Norala ay ipinag-utos ni Mayor Clemente Fedoc.

“The suspension will give way to an emergency meeting between the Department of Education in Norala and the municipal government to discuss measures to strengthen the safety and protection of students and school personnel,” saad sa abiso ng pamahalaang lokal.

Ang bayan ng Norala ay kalapit lamang ng Banga kung saan naganap ang malagim na pamamaril ng isang estudyante na nagbaril din sa sarili noong Setyembre 18.

BNHS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with