^

Probinsiya

Lider ng NPA utas sa Leyte encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang tropa ng military sa kabundukan ng Brgy. Trinidad, Baybay City, Leyte nitong Martes ng tanghali.

Kinilala ang napatay na si Erwin Murillo Maceda alyas “Ka Romnick,” vice team leader 1 ng Island Committee Levox sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVPRC).

Sa report, sinabi ni Lt. Col. Joseph Sabas, Chief ng Public Affairs Office ng Army’s 8th Infantry Division (ID), alas -12 ng tanghali, nagsasagawa ng peace and security operations ang tropa ng mga sundalo nang makatanggap ng impormasyon sa pangha-harass ng mga rebelde, nangongotong ng pera, at pagkain sa naturang komunidad.

Nagresponde ang mga sundalo at tinugis ang papatakas na mga rebelde na gumawi sa kabundukan na nagresulta ng engkuwentro sanhi upang mapatay si Ka Romnick na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle mula sa tabi ng bangkay ng lider ng NPA.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with