^

Probinsiya

Albay ‘poor visibility’ sa haze

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Noong una inakala ng mga residente ng Legazpi City at ilang bayan sa Albay na makapal na hamog lamang ang bumalot sa malaking bahagi ng lalawigan na naobserbahan simula madaling araw kahapon at magtatanghali nang malaman ng karamihan na ito ay haze o bahagi ng makapal na usok na hinihinalang umabot sa bansa dahil sa malawakang wildfire sa West Kalimantan, Indonesia.

Halos naging “poor vissibility” ang ilang lugar at kahit ang bulkang Mayon at matataas na bundok ng mga bayan ng Manito, Sto. Domingo, Bacacay at Rapu-rapu ang hindi maaninag.

Mataas na ang sinag ng araw ng umaga kahapon pero nagkulay pula ito dahil sa haze. Ilang residente naman ang nakapansin na may kaun­ting amoy na nasusunog ang nalalanghap nilang hangin.

Agad nagpalabas ng mga tauhan ang DENR-Environmental Management Bureau upang imonitor ang kalidad ng hangin sa lalawigan.

Pinayuhan ang mga residente na manatiling mag-antabay sa mga abiso ng kaukulang mga ahensya ng gobyerno lalo na sa air quality.

HAZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with