^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon sa Negros, nagbuga ng abo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Kanlaon sa Negros, nagbuga ng abo
Sped-up camera footages showing ash emissions from Kanlaon Volcano at 04:18 AM and 04:43 AM today, 15 August 2026.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) / Facebook page

MANILA, Philippines — Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivols), limang beses na pagbuga ng abo ang bulkan na may lima hanggang 28 minuto ang tagal.

Ayon sa Phiviolcs, nagtala rin ng pitong volcanic earthquakes sa Kanlaon kabilang ang limang volcanic tremors na may tagal na dalawa hanggang 24 na minuto. Nagluwa rin ito ng nasa 3,304 tonelada ng asupre at may katamtamang pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan na nasa 200 metrong taas na napadpad sa hilaga at-hilagang-silangan at pamamaga ng bulkan.

Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ng Phivols ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4-kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion at pagputok ng magma.

Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng alert level 2 na ibig sabihin ay may nagaganap na aktibidad sa naturang bulkan.

PHIVOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with