Bar ni-raid ng NBI: 6 nasagip, 2 arestado

MANILA, Philippines — Nasagip ang anim na biktima ng human trafficking at inaresto ang dalawang sangkot sa iligal na operasyon ng isang bar, sa pagsalakay ng NBI-Alaminos District Office (ALDO), sa Alaminos City, Pangasinan, nitong Biyernes ng gabi.
Sa ulat, ang raid ay pinangunahan ni NBI- ALDO Head Agent, Atty. Martinelli Cobsen at ALDO Executive Officer for Operations Agent Neilbert Pisec, sa isang bar sa Maligaya Compound, Barangay Amandiego, kasunod ng undercover operation noong Hulyo 15.
Nang makumpirma ang iligal na operasyon, inaresto ang dalawang suspek na nagpapatakbo sa bar, sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
Inilipat na sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development Office ang 6 na biktima habang nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa nasabing paglabag.
Sinabi ni Atty. Cobsen na mas lalo pinaigting ang operasyon laban sa iba’t ibang iligal na aktibidad ng mga sindikato, alinsunod sa direktiba ni NBI Director Melvin Matibag.
- Latest





















