Human trafficking isasampa ng NBI vs Defensor

MANILA, Philippines — Sasampahan ng kasong human trafficking ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Congressman Mike Defensor matapos na mabuking ang pagkakaroon ng sexual exploitation sa KTV bar nito na sinalakay kamakailan sa Pasig City.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ang mga ebidensyang nakalap ng isinagawang imbestigasyon ay nagpapakita na may kinalaman si Defensor sa naturang ilegal na gawain ng KTV 81V Bar.
”It appears that Mike Defensor was indeed involved in this matter,” ani Matibag .
Una nang itinanggi ni Defensor ang paratang sa pagsasabing isang “politically motivated” ang pagdadawit sa kanya.
Matatandaang ang maybahay at anak na sina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor, ay kabilang sa 16 na indibidwal na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) kasunod ng raid sa Chicago Night Club at Bleu Hotel sa Pasig noong Abril 21, ay mga single mother at ang mga edad ay hindi lalagpas sa 25.
- Latest

















