^

PSN Palaro

Yulo sumikwat ng gold sa China

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yulo sumikwat ng gold sa China
Carlos Edriel Yulo
File photo

MANILA, Philippines — Muling ipinakita ni Pinoy gymnast Carlos Edriel Yulo ang kanyang kalibre.

Inangkin ni Yulo ang gold medal sa paboritong men’s floor exercise sa 2026 Asian Men’s Artistic Gymnastics Championships kahapon sa Zunyi, China.

Umiskor ang 2024 Pa­ris Olympics double-gold medal winner ng 14.700 points para patuloy na do­minahin ang nasabing apparatus simula noong 2022 sa Doha, Qatar.

Matagumpay na naidepensa ng 26-anyos na si Yulo ang kanyang titulo sa Singapore noong 2023, sa Uzbekistan noong 2024 at sa South Korea noong 2025.

Sapat na ang kanyang magandang 8.700 execution score at 6.0 difficulty score para makopo ang gintong medalya.

Dalawang ginto sana ang nasikwat ni Yulo ngunit minalas siya sa finals ng individual all-around event matapos pumuwesto sa ikaapat na posisyon.

Nauna nang bumande­ra si Yulo sa qualification round ng floor exercise sa kanyang 14.433, habang nakapasok sa top eight ang kanyang kapatid na si Eldrew sa inilistang 13.600.

Si Shomi Tsukiyama ng Japan ang kumuha sa silver sa inilistang 14.600.

Nakuntento naman ang 18-anyos na si Eldrew sa bronze medal sa itinalang 14.300 sa seniors debut niya.

Ito ang ikaapat na po­dium finish ni Eldrew nga­yong taon.

Panalo siya ng isang gold at dalawang bronzes sa nakaraang FIG Artistic Gymnastics World Cup Series.

Pupuntirya ulit si Yulo ng gintong medalya sa pag­­sabak niya sa finals ng parallel bars at horizontal bar finals.

Ang kanyang unang gold naman ang hangad ni Eldrew sa pagsalang niya sa horizontal bar.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with