^

Probinsiya

90 ROTC kadete, nalason sa adobong baboy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 90 kadete ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) ang naratay matapos na umano’y malason sa pagkain ng adobong baboy sa lalawigan ng Iloilo noong Miyerkules ng gabi.

Sa report na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Region VI mula sa Iloilo Provincial Health Office (PHO) ang mga biktima ay isinugod sa Iloilo Provincial Hospital sa bayan ng Pototan; Don Jose Monfort Medical Center sa bayan ng Barotac Nuevo, Ramon Duremdes District Hospital sa Dumangas at Don Valerio Palmares Sr. Memorial District Hospital sa Passi City.

Ayon sa imbestigasyon ang mga kadete ay mula sa iba’t ibang lugar sa Western Visayas Region na dumalo sa ROTC Summer Camp sa Camp Hernandez sa bayan ng Dingle.

Sa pahayag ng mga kadete, kumain sila ng adobong baboy sa hapunan at 30 minuto pa lamang matapos ito ay nagsimula na silang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo, at diarrhea.

Dahil dito ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang naturang mga kadete upang malapatan ng lunas.

Sinabi ni Provincial Health Office Chief Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon, marami sa mga biktima ay pinauwi na sa kanilang tahanan nitong Huwebes matapos malapatan ng lunas.

Kaugnay nito, kasalukuyan nang sinusuri ang sample ng kinaing adobo at maging ang ininom na tubig ng mga biktimang kadete upang mabatid kung ano ang ikinalason ng mga ito. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga health officials at pangasiwaan ng nasabing camp sa kasong ito.

FOOD POISONING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with