^

Probinsiya

No. 1 at 6 most wanted ng Isabela, nadakma

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang akusado na tinaguriang number 1 at number 6 most wanted sa lalawigang ito ang matagumpay na nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ang mga akusado na sina alysa “Jose,” 22, residente ng Barangay Maligaya sa bayan ng Tumauini at alyas “Ferdie,” 18, residente ng Barangay Alibagu, City of Ilagan na kapwa nahaharap sa kasong panggagahasa.

Si Jose ay dinakip ng mga tauhan ng Tumauini PNP sa Barangay Maligaya sa bayan ng Tumauini sa kasong Statutory Rape, habang si Ferdie naman ay dinakip ng mga pinagsanib na operatiba ng Ilagan City PNP, 201st Maneuver Company, RMFB2, RID2, at RIU2 sa Barangay Alibagu, City of Ilagan.

Kapwa walang ini­rekomendang piyansa ang hukuman para sa dalawang akusado.

Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang dalawang nadakip na akusado para sa kaukulang dokyumentasyon at disposisyon bago iharap sa pinagmulan ng Warrant.

WANTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with