^

Probinsiya

Senior hinataw ng bato sa ulo, utas

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang senior citizen na lalaki makaraang hatawin sa ulo ng malaking bato ng kalapit bahay nito, kamakalawa sa Sitio Ipilan Brgy San Agustin 2 Dasmariñas City, Cavite.

Base sa ulat, alas-12:19 ng tanghali nang maganap ang insidente. Papasok ang biktima na kinilalang si Tatay Rick, 69 anyos sa kanilang bahay nang biglang dikitan ng suspek at hatawin ng malaking bato sa ulo.

Agad bumagsak ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek. Mabilis humingi ng tulong ang nakasaksi sa insidente upang maitakbo sa pagamutan ang biktima, subalit hind na rin ito umabot pa ng buhay.

Sa follow-up ng mga barangay opisyal ng lugar, naaresto ang suspek na agad dinala sa pulisya. Inaalam pa ang posibleng motibo sa naganap na krimen.

DASMARIñAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with