^

Probinsiya

Ama, 2 anak nilamon ng ilog sa Davao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ama, 2 anak nilamon ng ilog sa Davao
Sa report ng Davao City Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang 38 anyos na padre de pamilya na kinilala lamang sa pangalang Gerry at dalawa nitong anak na nagkakaedad, 8 at 4-anyos.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang ama at dalawa nitong anak na lalaki ang nasawi makaraang tangayin ng malakas na agos sa Talomo River sa Brgy. Calinan Poblacion, Davao City nitong Martes.

Sa report ng Davao City Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang 38 anyos na padre de pamilya na kinilala lamang sa pangalang Gerry at dalawa nitong anak na nagkakaedad, 8 at 4-anyos.

Ang bangkay ng 8-anyos na bata at ama nito ay magkasunod na natagpuan nitong Miyerkules ng umaga matapos na mapadpad sa kanal ng dam ng National Irrigation Administration (NIA).

Ayon sa imbestigas­yon, ang mag-aama ay naliligo sa Talomo River dakong alas-2 ng hapon nang biglang rumagasa ang baha at sila ay natangay.

Sa bilis umano ng pangyayari ay hindi na nagawang makaahon sa pampang ng nasabing mister at ng mga anak nito na tuluyang nilamon ng baha sa nasabing ilog.

Ang pagbaha sa lugar, ayon sa mga awtoridad ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa Davao City bunsod upang tumaas ang tubig baha sa ilog.

Bandang alas-3:30 ng hapon ng nasabi ring araw nang marekober ng rescue team ang bangkay naman ng 4 anyos na bata na lumulutang sa ilog sa Brgy. Riverside ng lungsod.

DAVAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with