16 missing sa gumuhong gusali, ‘no sign of life’; retrieval ops nilarga

MANILA, Philippines — Tinapos na ang search and rescue at nakapokus na ngayon ang mga awtoridad sa retrieval operation sa 16 pang nawawala sa gumuhong 9-storey na gusali matapos na ideklara ang “no sign of life’” sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Diego Mariano ang retrieval operations ay sinimulan matapos namang wala nang indikasyon ng “sign of life” sa mga posibleng survivors na na-trap sa ginamit na makabagong ‘life locator devices at thermal scanners sa gumuhong ginagawa ng hotel.
Sinabi ni Mariano na dakong alas-8:27 ng gabi noong Lunes nang itigil na ang search and rescue operations sa mga nawawala pang biktima na karamihan ay mga obrero.
“As per OCD III, 47 individuals were affected by the incident, of which 27 were rescued, 16 are still reported missing/unaccounted/trapped, and four [were] reported dead,” saad ni Mariano .
Magugunita na ang 9 storey condo-hotel project na itinatayo sa kahabaan ng Teodoro Street sa Brgy. Balibago ay gumuho at nakaapekto sa katabing apartelle dakong alas-3 ng madaling araw noong Mayo 24.
Ang Malaysian national na kabilang sa apat na nasawi ay naka-billet sa nasabing apartelle na nabagsakan ng debris ng gumuhong gusali.
- Latest




















