^

Probinsiya

Lolo patay sa gulpi ng 6 kabataan

Pilipino Star Ngayon
Lolo patay sa gulpi ng 6 kabataan
Nueva Ecija Map
Google Map

MANILA, Philippines — Dead-on-arrival sa Bongabon District Hospital ang isang 62-anyos na lolo makaraan umanong pagtulungang bugbugin ng anim na kabataan sa Bongabon Nueva Ecija nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Police Capt. Rod Mike Vertudes, hepe ng Bongabon Municipal Police Station, pauwi na ang matanda  sa Barangay Kaingin sakay ng kanyang tricycle nang sundan siya ng mga suspek na pawang mga kapitbahay nito.

Pagdating sa tapat ng bahay ng biktima sa Purok 6, pinagtulungan umanong bugbugin ng grupo at habang nakahandusay na sa kalsada ang biktima ay paulit-ulit pa  umano siyang hinataw ng kahoy ng isa sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa maagap na pag­responde ng mga pulis sa tawag ng mga residente sa lugar, agad namang naaresto ang dalawang suspek habang ang apat na kasamahan ay kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.

Nakapiit na sa Bonga­bon police detention cell ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga kanila.

MIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with