^

Probinsiya

Landfill gumuho: 1 todas, 2 sugatan, 2 missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na basurera ang nasawi, dalawa pa ang nasugatan habang dalawa namang senior citizens ang nawawala matapos gumuho ang malabundok na basura sa sanitary landfill sa Brgy. Carmen, Tugbok District, Davao City nitong Miyerkules.

Sa ulat ng Davao City Police, kinilala ang nasawi sa pangalan lamang nitong Cristel, residente ng Brgy. Carmen, Tugbok District ng lungsod na ito.

Ang dalawang nasugatan ay kinabibilangan naman ng isang 16-anyos na lalaki at isang babae na nasa hustong gulang; pawang residente rin ng komunidad.

Patuloy naman ang search operation ng mga awtoridad sa dalawa pang nawawalang mga senior citizens na nagkakaedad 78 at 67 taong gulang.

Bandang ala-1:15 ng madaling araw, ayon sa Davao City Police nang mangyari ang trashlide sa nasabing sanitary landfill sa lugar.

Ayon sa pulisya ang trashlide ay sanhi ng naipong tubig sa sanitary landflill dulot nang malalakas na pag-ulan sa Davao City.

Samantalang isa rin bahay na nakatirik sa tabi ng landfill ang natabunan sa insidente habang nasa kabuuan namang 124 pamilya o kabuuang 374 indibidwal ang naninirahan malapit sa landfill ang isinailalim sa ‘forced evacuation’.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng trashlide.

LANDFILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with