Suspek sa rape, timbog sa NBI
MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking nagtago nang 13 taon sa kasong rape nang harangin sa aplikasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance, sa Iligan City noong Huwebes. Sa ulat ng NBI, ang wanted na si Ricardo Mabulay, ay kukuha sana ng NBI clearance sa NBI-Iligan City District Office (ILDO), subalit lumabas sa kanyang record sa pagsalang sa quality control, verification, at evaluation procedures na may derogatory record sa kasong rape na may tatak “Action taken: Wanted”.
Sa pagbalik ni Mabulay, pinigil siya dahil sa natukoy sa mas malalim na beripikasyon na ang pangalan niya, address ay pareho sa warrant of arrest ni Morong, Rizal Regional Trial Court, Branch 80. Inamin niya na ang alam niya ay naareglo at tapos na ang kaso subalit lumutang pa sa nakuhang kopya ng warrant of arrest mula sa NBI Identification and Records Division (IRD) database na buhay pa ang kaso. Nabatid na ang akusado ay sangkot sa kasong rape na naganap sa Morong, Rizal.
- Latest

















