^

Probinsiya

Pulis itinumba sa loob ng Mosque

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis itinumba sa loob ng Mosque
Ilang tama ng bala sa ulo ang sanhi ng agarang pagpanaw ng ­pulis na pinagbabaril ng isang lalaking­ armado ng pistol habang nagdarasal sa loob ng isang mosque. sa Madamba, Lanao del Sur nitong Sabado ng gabi.
John Unson

Habang nagdarasal

MANILA, Philippines — Sabog ang bungo ng isang off-duty na pulis matapos pagbabarilin ng nag-iisang salarin habang nagdarasal sa loob mismo ng isang mosque sa bayan ng Madamba, Lanao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Chief Master Sgt. Alioden Sarangani, nakatalaga sa Madamba Municipal Police Station (MPS) at mula sa isang malaking angkan na Maranao ng Barangay Tungantungan sa Madalum, Lanao del Sur.

Sa report, sinabi ni P/Captain Steffi Salanguit, Spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), naitala ang krimen dakong alas-7:42 ng gabi sa loob ng mosque sa Brgy. Upper Uyaan Proper, Madamba ng nasabing probinsiya.

Nagsasagawa ng isha, ang panglimang dasal sa Islam bawat araw, si Sarangani nang lapitan ng isang lalaking armado ng pistol at agad siyang pinaputukan ng ilang beses sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Sa ulat nitong Linggo ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, agad na tumakbo palayo ang bumaril kay Sarangani, sa kalagitnaan ng komosyon sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa loob ng mosque, inawan siyang nakabulagta at wala ng buhay.

Agad na kinondena nina Police Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng PRO-BAR, at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ang pagpaslang kay Sarangani na itinaon pa habang nagdarasal sa loob ng mosque na isang sagradong lugar.

Ayon kay Adiong, chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council, siya at ang mga municipal officials sa Madamba ay tutulong sa pagkilala sa pumatay kay Sarangani upang masampahan ng kaukulang kaso.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with