^

Probinsiya

Empleyada ng Basilan LGU todas sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Empleyada ng Basilan LGU todas sa ambush
Kinilala ng Isabela City Police ang nasawi na si Karen Isabel Toledo Resurreccion, residente ng nasabing lungsod.
STAR/ File

Mister na kasama sa motor, sugatan…

COTABATO CITY, Philippines  – Patay ang 48-anyos na empleyada ng local go­vernment unit (LGU) ng Isabela City sa Basilan habang sugatan ang kanyang mister, makaraan silang tambangan at pagbabarilin ng armadong kalalakihan habang pauwi mula sa maghapong duty ng ginang sa city hall, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ng Isabela City Police ang nasawi na si  Karen Isabel Toledo Resurreccion, residente ng nasabing lungsod.

Naka-confine naman sa ospital ang asawa ni Resureccion na si Nelson, 50-anyos.

Ang misis ay nasawi sa isang ospital sa Isa­bela City makaraang isugod ng mga emergency responders kasama ang mister nito para sana malapatan ng lunas.

Ayon sa mga opisyal ng Isabela City Police Station at local executives sa mga mamamahayag kahapon, sakay ang biktima kasama ang kanyang mister sa Yamaha Mio motorcycle at pauwi na sa kanilang tahanan nang bigla silang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki pagsapit sa ­Barangay Lanote.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay rin ng motorsiklo makaraang makitang napuruhan ang babae, ayon sa mga police investigators at barangay officials na rumesponde sa insidente.

Ayon sa mga ­katrabaho ng nasawing biktima, isa si Karen Isabel sa mga dedicated at hardworking employee ng Lamitan City LGU at sinabing wala naman silang alam na kaaway nito.

Agad kinondena nina Basilan Gov. Mujiv Hataman at kanyang maybagay na si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang ginawang ambush-slay sa LGU employee at nanawagan sa kanilang mga ­constituents sa Barangay Lanote na tumulong sa pulisya na matukoy ang mga salarin.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with