^

Probinsiya

Ayuda sa vegetable farmers, hirit sa DA

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Hiniling ni Nueva Vizcaya Congressman Atty. Tim Cayton sa Department of Agriculture (DA) na isama ang mga vege­table farmers (gardinero) na mabigyan din ng ayuda sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and their Families Program (PAFFP).

Sa isinagawang committee meeting ng North Luzon Growth Quadrangle sa Kongreso nitong Miyerkules, sinabi ni Cayton na bukod sa mga corn at rice farmers ay maraming vegetable farmers sa Nueva Vizcaya kung saan nagmumula ang karamihang gulay na inaangkat sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Unang kinumpirma ng DA ang malaking ambag ng mga vegetable farmers ng Nueva Vizcaya sa supply ng mga gulay sa bansa sa pamamagitan ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).

“Halos 80% ng Nueva Vizcaya ay bulubundukin at sa mga lugar na ito ay maraming mga vegetables farmers na umaasa rin na maisama sa tulong ng gobyerno ngayong may krisis,” pahayag ni Cayton.

Kamakalawa ay tinapos ng DA ang pamamahahi ng tig-P2,300.00 sa bawat rice at corn farmers sa lalawigan na rehistrado sa RSBSA sa ilalim ng PAFFP.

Naging positibo naman ang na­ging kasagutan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at sinabi na tutugunan ang kahilingan ni Cayton at isama ang lalawigan ng Nueva Vizcaya. 

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with