P16 milyong shabu nakulimbat sa buy-bust ops

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang higit sa P16 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa isang serye ng mga operasyon kontra-illegal na droga na isinagawa sa Pampanga, Cebu, Iloilo, at Rizal mula Mayo 11 hanggang madaling araw ng Mayo 12, 2026.
Kabilang sa mga pangunahing nakumpiska ay isang inabandunang parcel na naglalaman ng halos 974 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang tinatayang P6.6 milyon sa UPS Cargo Area sa loob ng Clark Freeport Zone sa Pampanga noong Mayo 11.
Ang operasyon ay sa pagsisikap ng PNP Aviation Security Group, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, at iba pang yunit.
Sa operasyon sa Estancia, Iloilo ay naaresto ang isa pang identified HVI at pagkakakumpiska nang halos 254 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P1.7 milyon.
Samantala, naaresto rin sa Taytay, Rizal ang isa pang suspek sa isang buy-bust operation noong Mayo 12, kung saan nakumpiska ang halos 180 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1.2 milyon at iba pang detalye ng mga nakumpiska.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang mga ebidensya ay kinasuhan na ayon sa mga legal na disposisyon.
- Latest





















