10 ‘wanted’ sa Quezon nalambat

CAMP BGEN GUILLERMO P NAKAR, Lucena City, Philippines — Matagumpay na naisagawa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa 10 wanted persons sa lalawigan ng Quezon, bilang bahagi ng patuloy na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at pagpapatupad ng batas.
Base sa ulat ni QPPO Director PCol. Romulo Alabacea, dalawang Regional Level Most Wanted Person at walong Other Wanted Person ang nahuli ng QPPO. Kabilang sa mga naaresto si alyas “Fronio” na nadakip ng Pitogo MPS sa kasong Violation of RA 3553; si alyas “Rey” na kasama sa Regional Level Most Wanted Persons na naaresto ng Lucena City Police sa kasong paglabag sa RA 7610 (3 counts); alyas “Nardo” na nadakip ng Mauban Police dahil sa Violation of City Ordinance; alyas “Man” nahuli ng Padre Burgos Police dahil sa kasong RA 1161; at si alyas “Rose” na inaresto ng Tayabas City Police sa kasong Perjury.
Samantala, naaresto ang isa pang Regional Level Most Wanted Person na si alyas “Bard” sa operasyon ng Dolores Police sa kasong Qualified Rape.
Naaresto naman ng Panukulan MPS si alyas “Fhea” dahil sa Slight Physical Injuries; alyas “Usto” na naaresto ng Lucena City Police sa kasong Qualified Theft.
Nahuli naman ng Tayabas City Police sina alyas “Annah” at alyas “Lyn” sa magkahiwalay na operasyon sa parehas na kasong Perjury.
- Latest





















