^

Probinsiya

Lider ng NPA sugatan sa Masbate encounter

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lider ng NPA sugatan sa Masbate encounter
Ang lider ng NPA sa Masbate na si Raul ­“Luding” Tolingin habang nilalapatan ng medical na ­atensyon ng mga sundalo dahil sa mga sugat na tinamo sa nangyaring engkuwentro sa bulubunduking lugar ng Brgy. Miabas, Palanas, Masbate nitong Linggo ng umaga.
9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army

PALANAS, Masbate, Philippines — Sugatan at nahuli rin sa wakas ng mga sundalo ang notoryus at isa sa pinakamataas na lider ng New People’s Army (NPA) na may iba’t ibang kaso ng pamamaslang at terorismo sa malawak na bahagi ng lalawigang ito matapos magkaengkuwentro ang magkabilang panig sa bulubunduking lugar sa Brgy. Miabas, Palanas, Masbate kamakalawa ng umaga.

Kahit kalaban ay nilapatan muna ng paunang lunas ng medical personnel ng mga sundalo ang tinamong mga sugat bago ibinaba ng bundok ang nahuling sugatang kadre na si Raul “Luding” Tolingin, alyas “Ka Dadi/Herman”, deputy secretary general ng Komiting Larangan Guerilla South, Sub-Regional Committee 4, NPA Bicol Regional Party Committee.

Si Tolingin ay may kinakaharap na mga kasong pagpatay, paglabag sa Anti-terrorism Act; illegal possesion of explosives, firearms and ammunitions; at attempted homicide.

Ayon sa ulat ng 9th Infantry “Spear” Division ng Philippine Army sa pangunguna ni Maj. Gen. Aldwine Almase, nakatanggap umano ng text message ang kanyang mga tauhan mula sa 2nd Infantry Battalion hinggil sa presensya ng mga armado sa Brgy. Miabas ng naturang bayan. Agad bumuo ng grupo ang mga sundalo at dakong alas-5:30 ng umaga ay pinuntahan ang itinuturong lugar dahilan para agad na makasagupa nila ang tinatayang limang NPA sa pangunguna ni Tolingin.

Umabot lang ng 5-minuto ang palitan ng putok at tumakas ang mga komunista at naiwan ang sugatan nilang lider.

Agad na nilapatan ng lunas ng mga sundalo ang sugat ni Tolingin at ginamot bago siya ibinaba ng bundok. Nabawi mula sa kanya ang isang Kalibre 45 baril, mga magazine, subersibong dokumento na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon ng kilusan, at mga personal na mga gamit ng NPA.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with