2 notoryus na ‘tulak’ sa Lucena, nalambat

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng dalawang notoryus na tulak na kapwa kabilang sa talaan bilang High Value Individual (HVI) matapos na malambat sa anti-drug operation at makumpiskahan ng iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P10-M at baril sa Purok 5, Barangay Dalahican, Lucena City kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea mula kay PLt. Col. Ryan Hernandez, Lucena Component City Chief of Police, kinilala ang mga naaresto na sina alias “Mamay”, 53, may kasong paglabag sa RA 9165 noong 2016 subalit nakalaya noong 2019 dahil sa plea bargaining agreement at alias “Jaber”, 32, may kaso ring paglabag sa RA 9165 noong 2022 subalit nakalaya noong 2025 matapos na ma-acquit.
Sa operasyon na isinagawa dakong alas-6:45 ng gabi ay nakuha ng mga operatiba ng Lucena Component City Police at Maritime Police buhat sa mga suspek ang mga plastic bag at sachet ng shabu na may timbang na 300 grams at nagkakahalaga ng P6,120.000,00, plastic bag/bricks ng pinatuyong marijuana na may timbang na 11 kilos na nagkakahalaga ng P3,960,000.00 at isang caliber .38 at mga bala.
- Latest
















