Calabarzon director nanguna sa outreach program sa Cavite

CAVITE Philippines — Pinangunahan ni Calabarzon Regional Director PBrig. Gen. Hansel Marantan, kasama si Cavite Provincial Director Pol. Col Ariel T Red at Bacoor City Mayor Strike Revilla, ang outreach program sa mismong araw ng mga manggagawa, nitong Mayo 1.
Ginanap ang programa sa Molino Gymnasium Brgy. Molino 3, Bacoor City kung saan nakiisa sa nasabing programa ang sikat na vlogger na kinilala bilang “BOSS A pahingi ng laptop”
Umabot sa mahigit 2,000 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga mangingisda, mga miyembro ng TODA/JODA, pedicab drivers at mga Persons with Disabilities (PWDs) ang nabiyayaan ng food packs ng Calabarzon Police at Bacoor LGU.
Sa temang “PNP PRO 4 Kabalikat ang LGU ng Bacoor Upang Maghandog ng Malasakit at Mapagkalingang Tulong sa Panahon ng Hamon”, pinangunahan ni PBrig. Gen Marantan, Regional Director, PRO4A at Bacoor City Mayor Strike Revilla, ang pamimigay ng food packs na binubuo ng 10 kilo ng bigas, 15 de-latang pagkain (sardinas at tuna), at 10 assorted biscuits, na may P1,400, kasama ang isang foldable fan na may nakalimbag na mga paalala sa crime prevention.
Namigay rin ng laptop mula sa Laptop Warehouse ang mga masuwerteng beneficiaries na nakasagot sa mga on-the- spot na tanong mula kina PGen. Marantan at Mayor Revilla.
- Latest

















