^

Probinsiya

1 dedo, 4 sugatan sa Lanao del Sur ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
1 dedo, 4 sugatan sa Lanao del Sur ambush
Magkasama sa isang sasakyan ang mga biktima nang ratratin ng assault rifles ng mga lalaking na- kaabang sa gilid ng highway sa Calanogas, Lanao del Sur nitong gabi ng Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Isang babaeng Maranao ang nasawi habang apat na iba pa ang malubhang nasugatan sa ambush sa Barangay Bubongaranao sa Calanogas, Lanao del Sur nitong gabi ng Huwebes, April 23.

Maliban sa nasawi sanhi ng mga tama ng bala na si Main Dianta­pen, apat na iba pa ang sugatan sa insidente na ginagamot na sa isang hospital.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga officials ng Lanao del Sur Provincial Police Office at ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay sila ng isang puti na pick-up type multicab, pauwi na sa kanilang lugar mula sa kung saan, nang pag-babarilin ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa gilid ng highway sa Barangay Bubongaranao.

Agad na namatay sa mga tama ng bala si Diantapen na kanyang tinamo sa naturang pananambang na nag­resulta sa pagkasugat ng kanyang mga kasamang sina Asnil Dianta­pen, Asnawi Diantapen, Abdullah Macadato, at Sittie Aina Macadato.

Ayon kay Salanguit,­ bagama’t agad na nakatakas ang 10 na mga lalaking armado ng assault rifles na nag-ambush sa mga biktima, lubusang nakilala ng mga saksi at ng mga barangay officials sa Bubongaranao ang apat sa kanila, pinag­hahanap na ng mga pulis at mga municipal officials sa Calanogas.

MAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with