^

Probinsiya

Rider pinagsasaksak sa Cavite road rage!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider pinagsasaksak sa Cavite road rage!
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi magkasabay na bumabagtas ang biktima na si alyas “Manuel”, nasa hustong gulang at suspek na si alyas “Ely” sakay rin ng motor sa nasabing lugar. Nagkagitgitan umano ang mga ito.
STAR / File

2 motor naggitgitan sa highway

CAVITE, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang isang motorcycle rider makaraang pagsasaksakin ng nakaalitang kapwa rider dahil sa gitgitan ng kanilang sasakyan sa madugong road rage sa Tirona Highway sa Brgy. Kanluran, bayan ng Kawit, dito sa lalawigan kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi magkasabay na bumabagtas ang biktima na si alyas “Manuel”, nasa hustong gulang at suspek na si alyas “Ely” sakay rin ng motor sa nasabing lugar. Nagkagitgitan umano ang mga ito.

Tumigil ang biktima upang komprontahin ang suspek, subalit kumuha ito ng patalim sa kaniyang compartment upang di umanoy takutin lamang ang suspek.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa rider at nang bumalik na ang biktima sa motorsiklo nito upang umalis sa lugar ay dito na siya sinundan ng suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Agad namang nadala sa pagamutan ang duguang biktima habang naaresto rin ang suspek na diumano’y lasing ng mga oras na iyon.

ROAD RAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with