^

Probinsiya

Motor nahulog sa gilid ng kalsada, driver lasog

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang driver matapos na mahulog sa gilid ng kalsada ang minamaneho nitong motorsiklo na nawalan ng kontrol sa Molino-Paliparan Road ng Brgy. Salawag sa Dasmariñas City kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas “Dominic”, nasa hustong gulang, driver.

Sa report ng pulisya, alas-3 ng madaling araw habang bumabagtas ang biktima sakay ng kaniyang motorsiklo sa nasabing lugar nang biglang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

May kabilisan umanonang takbo ng biktima at dire-diretso itong nahulog sa gilid ng kalsada. Naipit pa ang biktima ng motorsiklo nito sanhi upang magtamo ng matinding sugat sa katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan, ayon sa ambulance at rescue team na rumesponde sa insidente.

DASMARIñAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with