^

Probinsiya

Karpintero, utas sa pananaksak ng katoma

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Binawian ng buhay ang isang karpintero matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Lamo, Dupax del Norte sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Dupax del Norte PNP ang suspek na si alyas “Waway”, 31, residente ng Purok Kasantolan, Barangay Mabasa habang ang biktima naman ay nakilalang si Leo Pico Jr., 59, residente naman ng Purok Hollywood North sa nabanggit na Barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ilang mga kaibigan nang biglang umalis ang suspek sa hindi malaman na dahilan. Agad ding siyang bumalik na may hawak nang kutsilyo at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng tatlong beses sa likuran ang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Agad naman na nadakip ang suspek na nahaharap ngayon ng kaukulang kaso.

DUPAX DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with