^

Probinsiya

2 trader kumasa sa 3 holdaper: 1 utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Transport terminal inatake

MANILA, Philippines — Isang pinaghihina­laang notoryus na miyem­bro ng robbery-holdup gang ang napaslang habang isa pa ang sugatan matapos na mauwi sa barilan ang kanilang panloloob sa isang transport terminal nang kumasa ang dalawang negosyante na may-ari ng establisimyento sa Catbalogan City, Samar nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, naganap ang insidente sa Grandtours Terminal sa Brgy, 3 ng lungsod dakong alas-7:35 ng gabi may ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng pulisya.

Pumasok sa establisimyento ng Grandtours Corporation sa loob ng terminal ang tatlong armadong holdaper na tuluy-tuloy sa cashier’s room saka nagdeklara ng holdap.

Inutos ng mga suspek ang mga empleyado na ibigay ang mga cash at mobile phones na kanilang hawak.

Gayunman, na-moni­tor sa CCTV ng dalawang alertong may-ari ng Grandtours Corporation na kinilala sa mga alyas na “Jan”, 39 at “Mik”, 34-anyos ang nagaganap na panghoholdap kaya agad na inilabas ang kanilang mga armas at pinaputukan ang mga suspect habang papatakas.

Nagresponde ang mga pulis matapos na marinig ang putukan na nagmumula sa terminal bunsod upang mabulabog ang mga suspect.

Dalawa sa mga suspect ang tinamaan ng bala na dinala sa Samar Provincial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang isa na tinukoy sa alyas na “Jer” at nilalapatan pa ng lunas ang kasamahan na si alyas “Rob”.

Ang isa pang suspek na nakilala namang si alyas “Ado” ay nagawang makatakas.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang cal. 45 pistol na may lamang anim na rounds ng bala, P15,480 cash, mobile phone at isang patalim.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with