^

Probinsiya

‘All systems go’ na sa BARMM polls - Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘All systems go’ na sa BARMM polls - Comelec
Nabatid na Biyernes ng umaga pa lamang ay nasa Cotabato City na ang mga opisyal ng Comelec para sa isasagawang paghahanda sa halalan na idaraos sa rehiyon sa Lunes, Setyembre 14.
bangsamoro.gov.ph

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na “all systems go” na sila para sa nalalapit na pagdaraos ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nabatid na Biyernes ng umaga pa lamang ay nasa Cotabato City na ang mga opisyal ng Comelec para sa isasagawang paghahanda sa halalan na idaraos sa rehiyon sa Lunes, Setyembre 14.

Kaagad namang nakipagpulong si Comelec chairman George Erwin Garcia sa mga lokal na opisyal sa Bangsamoro, gayundin sa Philippine National Police (PNP) at iba pang election stakeholders. Paniniguro niya na handang-handa na ang poll body para sa pagdaraos ng kauna-unahang BARMM parliamentary elections.

Lumagda na rin ang Comelec ng isang memorandum of agreement (MOA) sa Independent Election Monitoring Center (IEMC-BARMM) at sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang masiguro ang maayos, mapayapa, transparent at credible na halalan sa BARMM.

Samantala, isasagawa ngayong Sabado ang final testing at sealing sa lahat ng automated counting machines (ACMs) na gagamitin sa nasabing halalan. Ito ay sabayang isasagawa sa 1,186 paaralan na magsisilbing ­voting centers upang matiyak na walang anumang aberyang teknikal na mararanasan sa mismong araw ng botohan.

Nagpaalala rin ang Comelec hinggil sa mga prohibited acts o mga ipinagbabawal na gawain sa nasabing halalan, kabilang na ang gun ban, ­liquor ban, vote buying and vote selling, at pangangampanya sa bisperas at mismong araw ng halalan.

Sa naturang halalan, iluluklok ang mga Regional Parliamentary Party Representatives, Parliamentary District Representative, at Sectoral Representatives.

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with