^

Probinsiya

4 todas sa sasakyan ng 2 pamilya!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Onsehan sa droga

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay kabilang ang mag-aama habang dalawa pa ang sugatan matapos na magsaksakan ang dalawang pamilya sa madugong insidente ng sinasabing onsehan sa droga sa La Paz District, Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joeven Provido, 46-anyos; Johnny Provido Jr., Johnny Provido Sr., 68-anyos; pawang pamilyang Provido, habang sa nakatunggali naman nila sa pamilyang Muya ang napatay ay si Tyrone

Muya, 33-anyos. Samantala, sugatan ang mga kapatid ni Muya na sina Gilbert Jr. at Glenbert; pawang nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

Sa ulat ng Iloilo City Police, iniimbestigahan pa nila ang madugong engkuwentro ng pamil­yang Provido at Muya na umano’y nag-ugat sa onsehan sa P1,500 halaga ng shabu.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo umano ang magkapatid na Provido sa bahay ng mga Muya at hinahanap si alyas Badoy, live-in partner ng kapatid na babae ni Muya dahilan hindi pa nito naide-deliver ang nasabing halaga ng shabu na kanilang binayaran na rito.

Dahil sa wala si Badoy ay bumalik kinagabihan ang magkapatid na Provido kung saan nakasagutan nila si Tyrone na nakaupo sa labas ng tarangkahan ng kanilang tahanan.

Wala namang nakasaksi kung sino ang naunang nanaksak, pero lumabas sina Gilbert at Glenbert Muya nang marinig ang komosyon sa labas ng kanilang tahanan kung saan lumabas na rin ng kanilang bahay si Johnny Sr. nang mabatid na napapalaban ang kaniyang mga anak para umawat, pero maging siya ay nasaksak din nang malalim sa kaniyang katawan.

Sa pahayag ni Iloilo City Police Director P/Col. Wilbert Parilla, kinondena nito ang insidente sa pagkalagas ng apat na buhay.

BADOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with