Truck sumalpok sa multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang trak sa isang multicab saka tuluyang bumulusok sa ilog na sakop ng New Zigzag road, Sitio Amao, Barangay Silangang Malicboy Pagbilao Quezon, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, inaalam pa ang pangalan ng nasawing pahinante ng trak habang ang driver naman ng multi cab na namatay rin ay kinilalang si Jhay-Ar ng Tubigan Bohol.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ang mga inaalam pa ang mga pangalan na pawang nagtamo ng mga grabeng kapinsalaan sa kanilang mga katawan na driver ng trak at ang pahinante ginagamot ng multicab na si Renel
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Pagbilao Police, alas-10:00 ng umaga ay binabagtas ng isang 10-wheeler truck na galing Atimonan patungong Lucena City ang kahabaan ng Maharlika Highway subalit pagsapit sa palusong na bahagi ng kalye ay nawalan ito ng preno at sumalpok sa nakaparadang multicab na kargado ng mga prutas.
Bumangga pa ang trak sa isang puno ng niyog saka tuluyang nahulog sa ilog.
Mabilis na rumesponde ang mga residente na malapit sa aksidente at pinagtulung-tulungang alisin ang mga naipit na driver ng dalawang sasakyan at ang dalawa nilang pahinante saka mabilis silang isinugod sa ospital subalit dalawa ang idineklarang dead on arrival (DOA).
- Latest





















