^

Probinsiya

450 Rizal cops idineploy sa special election sa Antipolo

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 450 police personnel kasama ang force multiplier, militar at concerned agencies ang ipinakalat upang matiyak ang kaligtasan, maayos at mapayapang pagdaraos na espesyal na halalan sa Antipolo City, Rizal, ngayong araw.

Ayon kay Col. Eleazar Barber Jr., Rizal police director, ang lahat ng sistema ay handa na para sa espesyal na halalan sa 2nd Legislative District ng Antipolo City, Rizal kasunod ng inspeksyon ng mga tropa upang matiyak ang kahandaan sa operasyon ng mga tauhan, tamang kagamitan, at kakayahan na tumugon sa anumang sitwasyon na maaaring lumitaw sa panahon ng halalan.

Lahat ng 36 polling at 348 clusters precincts ay handa at magbubukas bandang alas-5 ng umaga habang halos 250,000 rehistradong botante ang inaasahang buboto, ani Barber.

Tiniyak ng PNP-Military na may back-up ng standby augmentation troops mula sa rehiyon, Coast Guards at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa publiko at mga botante para sa mapayapa, madali at ligtas na espesyal na halalan.

Aniya, ang mga tauhan ng force multiplier at mga barangay enforcer ang naatasang mamahala sa daloy ng trapiko sa iba’t ibang lugar.

Ang Commission on Elections (Comelec) na pinamumunuan ni Atty. Arnulfo Pioquinto, Provincial Election Supervisor, ang mangangasiwa sa espesyal na halalan.

BARBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with