^

Probinsiya

Indian trader niratrat sa palengke, todas!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Indian trader niratrat sa palengke, todas!
Ilang tama ng punglo sa katawan ang agad ikinasawi ng biktimang si alyas “Singh”, money lender, habang nagpapagaling na ang buko vendor na si Eddie makaraang tamaan ng ligaw na bala sa puwitang bahagi.
STAR/ File

GUINOBATAN, Albay, Philippines — ­Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang Indian national na negosyante habang isa pa ang nadamay at sugatan makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa gitna ng mataong lugar sa pamilihang bayan sa Ofracio St., Poblacion, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.

Ilang tama ng punglo sa katawan ang agad ikinasawi ng biktimang si alyas “Singh”, money lender, habang nagpapagaling na ang buko vendor na si Eddie makaraang tamaan ng ligaw na bala sa puwitang bahagi.

Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga habang naniningil ng kanyang mga pautang ang biktima sa Guinobatan Public Market nang biglang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Dahil sa mga putok ay nabulabog at kanya-kanyang tago at karipas ang mga mamimili at tindera sa palengke. Duguang bumulagta ang Bumbay na agarang isinugod ng mga rumespondeng pulis at mga kasapi ng MDRRMO sa hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Sugatan ang nasabing tindero sa insidente, pero nasa mabuti ng kalagayan at nagpapagaling na.

Tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaril ang posibleng may kina­laman sa negosyo ng biktima na pagpapautang.

SINGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with