^

Probinsiya

Nakatakas na preso, nadakip muli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naibalik na sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang isang person deprived of liberty(PDL), dalawang araw matapos ang insidente ng pagtakas, ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. nitong Huwebes.

Ang PDL na si Tyrone Dela Cruz, napiit sa ilalim ng BuCor noong Disyembre 2017 sa kasong kidnapping with ransom na pinatawan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo.

Siya ay muling nadakip alas-7:30 ng umaga ng Huwebes, Marso 5, sa Sitio Idarag, Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro kasunod ng isinagawang operasyon ng Corrections Emergency Response Team (CERT).

Sinabi ni Catapang na inalarma ang iba pang law enforcement agencies mga awtoridad hinggil sa pagtakas ng PDL hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang CERT na tumangay ng isang motorsiklo sa Brgy. Sta Lucia.

Noong Miyerkules nang iulat kay Justice Secretary Fredderick Vida ang insidente at ang pag-alis sa pwesto sa mga responsable na sina Corrections Officer 3 Jon-jon Edic, shift commander; CO1 Nelbert Moro, direct Custodian ng Building 3; CO1 Lester Gonzales, bantay sa Post Tower 1 Sentinel, CO1 Lionel Darrold Orandain, sa POST Tower 2.

Dakong alas-5:47 ng hapon nang hindi na ma-account si Dela Cruz sa ginawang headcount. Nakitang patungo sa basketball court area si Dela Cruz at dumaan sa pagitan ng Post Tower 1 at Post Tower 2, na hinabol at nagpaputok pa ng warning shots ang correction officer, subalit nakatakbo patungo sa magubat na bahagi at saka nasukol ng mga awtoridad.

BUCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with