^

Probinsiya

Guro timbog sa pagtutulak ng droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Guro timbog sa pagtutulak ng droga
Ang guro ay kinilala sa alyas na “Eph-Eph”, 34-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Waloe sa bayang ito.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher na pampublikong guro sa isinagawang buy bust operation sa Loreto, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Ang guro ay kinilala sa alyas na “Eph-Eph”, 34-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Waloe sa bayang ito.

Sa ulat ng CARAGA Police, dakong alas-8:01 ng umaga nang masakote ang suspect may dalawang araw na ang nakalilipas sa Brgy. Waloe, Loreto ng lalawigan.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa aktibong pagtutulak ng droga ng nasabing guro.

Ang suspect ay ikinokonsiderang street level individual sa pagkakasangkot sa illegal na pagbebenta ng droga. Hindi na nakapalag ang nasabing guro matapos na posasan habang iniaabot ang droga sa undercover agent na nagsilbing hudyat upang arestuhin ito.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspect ang isang transparent sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 0.40 gramo na nagkakahalaga ng P2,720 sa standard na presyo ng droga.

Samantalang nang kapkapan ng mga pulis ay nakumpiskahan ang suspect ng karagdagang 0.80 gramo na nagkakahalaga ng P5,440.00. Isinailalim na ang suspect sa kustodya ng pulisya na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Anti-Dange­rous Drugs Act of 2002.

AGUSAN DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with