^

Probinsiya

Blogger tinortyur, pinatay saka ibinaon!

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Blogger tinortyur, pinatay saka ibinaon!
Map of Quezon
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Nakagapos ang mga kamay, may pasak na damit sa bibig at binalutan ng itim na tela sa ulo saka inilibing sa mababaw na hukay ang isang nawawalang blogger sa isang liblib na bahagi nang matagpuan itong bangkay na nitong Sabado sa Tayabas City, Quezon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IV A, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Atienza, 39 taong gulang, kilala sa kaniyang blog bilang “Macoy” na may ilang araw nang nawawala.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isa ring canvasser na nagbebenta ng sari-saring mga paninda na kanilang inilalako sa mga kabahayan sa mga kalye ng lungsod.

Si Atienza ay nagpaalam may ilang araw na ang nakalilipas sa kaniyang misis na mangin­gisda umano pero nabigo nang makabalik sa k­anilang tahanan kaya ini-report ng ginang noong Pebrero 20 sa pulisya ang pagkawala ng mister.

Dakong alas-2 ng hapon naman nang matagpuan ang biktima noong Biyernes sa Brgy. Lalo, may apat na kilometro ang layo sa highway ng lungsod.

Ang bangkay ng biktima ay nakagapos ng kulay itim na nylon cord habang ang ulo nito ay binalutan ng kulay itim na T-shirt at ang bibig ay pinasakan din ng damit saka inilibing sa mababaw na hukay.

Samantala, nakitaan din ng mga palatandaan na pinahirapan muna ang biktima bago ­pinaslang base sa mga pasa at sugat na tinamo nito sa katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya sa kasong ito upang maaresto ang nasa likod ng krimen at mabigyan ng hustisya ang sinapit ng blogger.

MISTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with