^

Probinsiya

80 toneladang construction materials idineliver ng Navy sa Calayan Islands

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 80 tone­ladang materyales sa konstruksiyon ang idineliber ng mga elemento ng Philippine Navy sa Calayan Islands, Cagayan.

Sa report ng Philippine Navy – Northern Luzon  Naval Command ang nasabing mga materyales ay gagamitin sa konstruksiyon ng mga gusali at iba pang kinakailangan para sa mga programang pangkaunlaran sa Calayan Island.

Ang BRP Waray  ­landing craft ang pinagsakyan sa 15. 6 toneladang rolling cargoes  sa nasabing isla na ang unang sortie ay nagsimula noong Pebrero 1.

Samantalan,ang 2nd mission naman ay isinagawa noong Pebrero 6 para sa pagbibiyahe ng nasa 64.15 toneladang mga materyales na kinabibilangan ng 1,150 sako ng semento; 270 sako ng patuka,250 GI sheets, 75 piraso ng laminated nak ahoy, 300 piraso ng steel bar at dalawang timba ng pintura.

Ayon sa Northern Luzon Naval Command matagumpay na naideliber ang kabuuang 80 toneladang cargo  upang suportahan ang construction projects sa nasabing isla sa pakikipagkoordinasyon sa mga lokal na opisyal dito.

Inaasahan namang makakatulong sa pagpapaunlad ng imprastraktura ang nasabing mga materyales sa konstruksiyon.

NAVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with