^

Probinsiya

2 babaeng angkas todas, rider grabe

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 babaeng angkas todas, rider grabe
Map of Quezon with Tayabas highlighted
Wikimedia Commons

Van ‘beating the red light’

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay agad ang dalawang babaeng backrider ng isang motorsiklo habang malubhang nasugatan ang kanilang driver matapos na banggain at takasan ng isang van na binalewala ang red light sa intersection ng bypass road na sakop ng Brgy. Lakawan, Tayabas City, kahapon ng umaga.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang sina alyas “Jenny”, 21, dalaga, ng Sitio Ilaya, Barangay Talolong, Tayabas; at “Janelle”, 20, dalaga, cashier ng Primemark Tayabas City, at residente ng Sitio 5, Brgy. Mateuna, Tayabas City.

Ginagamot naman sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ang rider na si Josh, 22, ng Barangay Mateuna, Tayabas City dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan.

Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) director PCol. Romulo Albacea, alas-9:30 ng umaga ay minaneho ni Josh ang isang Rusi motorcycle at naka-backrider ang dalawang babae. Pagsapit nila sa intersection, diretsong tinahak ang highway subalit sinalpok sila ng “beating the red light” na Toyota HiAce Commuter Van na minamaneho ni alyas “Mark”, 25, ng Masbate.

Sa halip na tumigil, sumibad papatakas ang van subalit nairadyo ito sa police checkpoint sa Barangay Mateuna ng isang kawani ng LTO na nasa intersection at nakakita ng insidente sanhi upang madakip ang driver ng van na natuklasang walang lisensya habang minamaneho ang van na may sakay na 14 katao.

TAYABAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with