^

Probinsiya

16 pulis-Cavite inireklamo sa Napolcom

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
16 pulis-Cavite inireklamo sa Napolcom
Ayon sa 18 na nag­reklamo, sila ay nagtatrabaho sa isang pro­perty sa Dasmariñas City nang sapilitan silang pahintuin at arestuhin ng mga pulis kahit walang nagagawang krimen at walang legal na batayan o warrant of arrest.
STAR / Jesse Bustos

Sa ilegal na pag-aresto sa 18 katao

BATANGAS , Philippines — Isang grupo ng mga karpintero, manggagawa at security guard ang nagsampa ng dalawang set ng reklamong administratibo sa National Police Commission (Napolcom) laban sa 16 na tauhan ng Dasmariñas City Police dahil sa umano’y ilegal na pag-aresto at paglabag sa police procedures.

Ayon sa 18 na nag­reklamo, sila ay nagtatrabaho sa isang pro­perty sa Dasmariñas City nang sapilitan silang pahintuin at arestuhin ng mga pulis kahit walang nagagawang krimen at walang legal na batayan o warrant of arrest.

Ikinuwento rin nila na pagdating sa himpilan ng pulisya ay iginapos at iti­nuring silang mga suspek nang hindi ipinaalam ang dahilan ng pag-aresto, na nagdulot umano ng takot at kahihiyan.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon sa abogado ng mga manggagawa na si Atty. Manuel Ventura ng MVP Law Firm, inihain ang mga reklamo upang matukoy ang pananagutan ng mga pulis batay sa ebidensya at sa tamang proseso ng batas.

Sa reaksyon naman ni Dasmariñas police chief Lt. Col. Resty Soriano sa pamamagitan ng kanyang desk officer na si Police Corporal Norman Lejada, wala pa umano silang natatanggap na pormal na complaint mula Napolcom kaya hindi pa sila makapagbibigay ng kanilang komento tungkol sa kaso.

MVP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with