^

Probinsiya

Dambuhalang Oarfish lumutang

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Dambuhalang Oarfish lumutang
Pinagkaguluhan ng mga residente ang dambuhalang oarfish na natagpuang palutang-lutang sa Municipal water ng Guina­yangan, Quezon.
STAR / File

GUINAYANGAN, QUEZON, Philippines — Isang wala nang buhay na dambuhalang oarfish ang natagpuang palutang-lutang sa Municipal Fishport sa bayang ito, kamakalawa umaga.

Natuklasan ito ng isang mangingisda na agad namang nag-ulat sa Coast Guard Sub-Station Guinayangan.

Rumesponde ang Municipal Agricultu­rist at ang mga Fishery Technician upang magsagawa ng pagsusuri.

Ayon sa isinagawang pagsukat, ang oarfish ay may habang 3.59 metro, lapad na 0.70 metro, at may timbang na 22 kilo.

Kinikilala ang nasabing isda bilang isang deep-sea species na bihirang makita sa mababaw na bahagi ng dagat.

Dahil sa kondisyon ng isda at para sa kaligtasan ng publiko, ito ay hindi pinahintulutang kainin at agad na inilipat sa itinakdang lugar para sa maayos na disposal.

FISHPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with