Lalaki patay sa pamamaril sa Rizal

MANILA, Philippines — Isang lalaking hindi pa tukoy ang pagkilanlan ang binaril at napatay sa kalye ng hindi pa tukoy na salarin, sa Rodriguez, Rizal madaling araw ng Martes.
Sa inisyal na ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, ang biktima ay inilarawan sa suot na long sleeve t-shirt na pula, camouflage trucker pants at itim na sumbrero ay natagpuang duguan alas-4:37 ng madaling araw nitong Enero, 20, sa Block 12, Orange St., Phase 1 A, Kasiglahan Village, Brgy San Jose, Rodriguez, Rizal.
Isang concerned citizen ang nagreport sa pulisya matapos matuklasang ang narinig nilang mga putok ng baril ay isang lalaking biktima ang nakahandusay sa kanilang lugar.
Naisugod pa sa Ynares Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
Isinagawa ang dragnet subalit bigo silang matunton ang suspek o mga suspek.
- Latest




















