^

Probinsiya

Bicol inalerto sa lahar dahil sa bagyong Ada

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Agad isinailaim sa red alert status ang buong Bicol at nagsagawa ng pre-disaster risk assessment ang Regional Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council kasama ang iba’t ibang ahensya at inalerto ang lahar ng lokal na pamahalaan sa peligrong dala ng paparating na bagyong Ada.

Partikular na inalerto ng OCD-5 ang Albay Provincial Safety and Emergency Management Office at ang lokal na pamahalaan ng lalawigan sa posibleng pagragasa ng lahar.

Pinayuhang siguruhing ligtas ang mahigit 4 na libong evacuees na lumikas dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Mayon at magsagawa ng kaukulang hakbang sa iba pang mga residente laban sa pag­ragasa ng lahar.

Sa iba’t ibang lugar naman sa rehiyon na bahain, may peligro sa landslides at iba pang hazards ay pinayuhang magsagawa ng agarang preemptive evacuation.

Kasama sa agad inihanda ang resources ng Department of Social Welfare and Development para sa pagtugon sa maaapektuhan ng paparating na kalamidad.

Simula kahapon ay umabot na sa 1,831 ang stranded na pasahero at 620 rolling cargoes ang nakapila na sa loob at labas ng iba’t ibang pantalan sa Bicol makaraang itigil ng Philippine Coastguard ang paglalayag ng mga barko.

DISASTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with